Ang Baha ng Bansang Philippe

Noong unang panahon, ang bansang Pilipinas ay isang malaking pulo, at hindi nakahati sa 7,107 na pulo. Ang Pilipinas ay kilala bilang “Isla ng Philippe”. Sa islang “Philippe”, araw-araw ay mainit para sa mga tao. Matiisin ang mga tao sa islang ito.  Naghirap at nagtrabaho sila sa mga palayan nila. Namuhay sila sa mga halaman at hayop lamang. Minsan sa isang taon, umulan sa isla ng “Philippe”. Tuwing tag-ulan, masaya ang lahat ng mga tao. Palagi silang nagligo at nagpalamig sa ilalim ng ulan. Sa tulong ng ulan, nakapagtanim sila ng mas maraming gulay at prutas. Pati na ang mga bata ay lumangoy sa mga baha ng kalsada. Kahit ang ibang masusungit na matanda ay napangiti sa ulan. Pagkalipas ng isang araw, nawala ang ulan at bumalik ang mga tao sa dati nilang buhay; kailangan nilang maghintay ng isang taon bago bumalik ang ulan.

Isang araw, ang kanilang pinuno ay nakaisip ng isang plano. Sinabi niya, “Mga kababayan! Nang kakatapos lamang ang isang araw ng pag-ulan, minumungkahi ko na magdasal tayo para sa mas maraming araw ng pag-ulan! Sabay sabay tayong magdasal mga kababayan!” Sa mga sumunod na araw, ibang klase ang lakas ng ulan na naranasan nila! Parang mga tabo ng tubig ang bumuhos sa ulo ng mga tao. Natupad ang bansang pagdarasal!

Natuloy ang pangyayari na ito araw-araw, at sa simula, sayang-saya ang lahat. Pero, pagkalipas ng ilang buwan, ang ngiti ng bawat mamayanan ay naging isang malaking simangot ng kalungkutan. Ang mga gawaing araw-araw ng bawat isa ay hinadlang ng pag-ulan. Hindi na makakain ng mabuti ang mga tao dahil nabaha ang mga palayan. Ang mga labahan rin ay hindi natutuyo at lahat ng nanay ng bawat bahay ay nainis sa walang tigil na pagpasok ng putik sa bahay. Lahat ay umikot para sa masama. Lumipat ang mga tao sa mas mataas na lugar. Gayunpaman, nagkaroon ng mas matinding baha habang mas malakas ang ulan. Nang lumipat sila sa isang mas mataas na lugar, hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng ulan. Hanggang sa nakarating na sila sa isang mataas na bundok. Hindi alam ng mga tao kung ano ang dapat nilang gawin. Ang kanilang pinuno ay namatay dahil nalunod sa baha. Lahat ng kanilang bahay at gamit ay nawala sa alon.

Pagkalipas ng ilan araw, napansin nila ang isla ay napupuno ng maraming tubig. Nakita rin nila na nahati ang isla sa iba’t-ibang bahagi. Hindi alam ng mga tao na kayang hatiin ng ulan ang lupa. Sumigaw sila sa Panginoon na pigilin ang malakas na pagbuhos ng ulan. Sa pagkalipas ng ilan araw at gabi, hindi pa rin nagbago ang kanilang sitwasyon. Sa isang araw, biglang nagkahiwalay ang bundok na tinatayuan nila. Naghiwalay ang ilan sa mga kanilang kasama at pumunta sa mas mababa na lugar. Ang iba naman ay napunta sa ikataas na lugar. Hindi alam nila kung mayroon pa pag-asa itigil ang pag-ulan.

Dahil sa tindi at tagal ng ulan, maraming pagbabago ang nangyari sa islang Philippe.  Ang mga noong pangunahing kalsada ng bansang “Philippe” ay nagbaha. Lahat ng mga mababang lugar ay lumubog na sa ilalim ng tubig at di na makita. Hindi lang ang mga lugar sa isla ang pumalit. Nag-iba na rin ang kaugalian ng mga tao. Ang unang mga maligaya at masipag na tauhan ay naging malungkot at pasibo sa mga nangyayari sa kanila. Sa sobrang pag-alala, nagkaroon na rin ng isang ekspresyon na ginawa ng mga tao. “Bahala na!” Ito ay nakuha galing sa salitang “baha”. Dinagdagan ng “la na” sa huli dahil walang pag-asa ang binibigay lamang ng mga baha sa bansa na ito.

Mga Pinakunan:

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s